Miss na miss na kita masura ko. Pero pinipilit ko padin na wag nalang kasi alam ko na hindi nadin tayo magiging tulad ng dati. Pinipilit kong masanay na wala ka, pinipilit kong wag ka itext sa umaga, pinipilit kong wag ka ng maalala. Pinipilit kong ngumiti kapag nakikita kong may katext ka ibang, pinipilit kong maging maayos kapag makikita mo ako. Pinipilit kong matuto masura ko, pinipilit kong tanggapin na kahit kelan hindi ka na uli magiging akin, na kahit kelan hindi na maibabalik yung tayo. Vanje ang sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakikita kita. Hirap na hirap talaga ako. Swear. Gusto na kitang makalimutan pero bakit tuwing gagawin ko pinaparamdam mong nandyan ka? Bakit kapag iiwasan na kita lalapit ka? Bakit kapag kailangan kita dumadating ka? Bakit hindi mo nalang ako pabayaan baka sakaling makalimutan na kita.
Naalala ko pa yung araw na nakipag break ako, sobrang sakit talaga at ayokong gawin, pero kailangan para matuto tayo. Pero sana hindi ko nalang ginawa kung alam kong magiging ganito. Sana hinayaan ko nalang, sana tiniis ko nalang, sana mas minahal nalang kita. Edi sana may tayo pa. Ngayon ko lang narealize na Masaya pala yung 2011, kasi yun yung taon na sobrang mahal natin yung isa’t isa, at yun din yung taon na wala na talaga. February 14, 2011, July 26, 2011, September 21, 2011, December 14, 2011, December 23, 2011, December 25, 2011, December 27, hanggang December 31, 2011. Naalala mo pa lahat yan? Ako hindi ko makalimutan, kasi ang saya saya ko talaga nung mga araw na yan. Sana sura ko hindi nalang natapos yung December 31 no? nung nanood tayo ng sine tapos gumala tayo, tapos yung kiniss mo ako sa noo kahit maraming tao. Tapos sabi mo tatapusin natin yung taon na mag kasama tayo at sasalubungin natin yung bagong taon na mag kasama parin tayo. Nasaan ka ngayon? Bat iniwan mo ako? Hindi mo na ba ako mahal masura ko? Hindi na ba ako yung gusto mong maging nanay ng anak mo? Hindi na ba ako yung isasama mo kahit nag tatrabaho ka? Hindi na ba ako yung gusto mong Makita kapag gumigising at matutulog ka? Hindi na ba ako yung gusto mong makasama hanggang sa pag tanda mo? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Kasi ako kahit anong gawin ko mahal na mahal parin kita. Walang nag bago, ako padin to masura ko. Ako padin yung kaibigan, kapatid at girlfriend mo. Ako padin si Carla na nakilala at minahal mo. Sana naaalala mo pa ako. Sana. I miss you my everything.

No comments:
Post a Comment