Ganito kasi yun...
First day of school ( s.y 2010 -2011) Second year na ako tapos freshmen sya, nag lalakad lang kami ng mga kaibigan ko tapos nakita ko sya. Cute sya. pero hindi ko naman pinansin na cute sya, naisip ko lang...
Araw araw nakikita ko sya, at yung feeling na ang saya ko kapag nakikita ko sya. tapos smiling face pa sya. Second semister nun, sumali sya sa theater group namin sa school, grabe... ang cute nya. :"> Tapos February 2011 may play kami pero mag kapatid kami sa play na yun. Yung set up, mag katabi kami tapos may mga lines na para saaming dalawa lang. Mygaaad. Hindi ako makapag concentrate, kinikilig talaga ako at sabi nung bestfriend ko sobrang pula ko na daw talaga. Ang hirap huminga, alam mo yun???
Pagkatapos ng play namin nag palitan kami ng number. :"> feeling ko naman crush niya din ako, pero syempre member sya ng group kaya ayunnag palitan kami. Tapos yung mga sumunod na araw nagkatext na kami ang sweet nya lang katext at ang bait bait pa. Alam mo hanggang ngayon hindi nag babago yung pakiramdam ko na sa tuwing mag kakasalubong kami at ngingitian nya ako gumuguho yung mundo ko at parang tumitigil yung oras ko. Yung bang pag lampas nya nag tatalon ako sa tuwa. Pero kasi ngayon nalaman nya na na crush ko sya. :"( Hindi na sya nag tetext, kahit group message tapos pag nag kikita kami hindi narin kami nag papansinan. Bakit ganon??? Nakakalungkot lang kasi ang tagal tagal na tapos biglang ganito lang...

No comments:
Post a Comment