Hi Dade, Kumusta na po kayo? Ako naman po dito okay naman, alam ko de nakikita nyo po ako kaya alam ko din po na alam nyo yung mga pinapag daanan ko. Ang hirap de, Sana nandito ka. Kasi po natatandaan ko dati kapag malungkot ako makikipag kwentuhan lang ako sainyo, tapos mag kukwento ka ng mga experiences mo ayun makakalimutan ko na na malungkot ako. Tapos naaalala ko pa nga kapag pinapagalitan ako ni mama atsaka kapag pinapalo nya ako magagalit ka sakanya kasi ayaw mong sinasaktan ako, hanggang lumaki na ako ganon ka padin sakin, di ka nag bago. Kung hindi dahil sayo hindi buo yung pag katao ko, hindi ko nakita si papa ko, at ikaw yung nandyan para gampanan yung mga kailangan namin ni kuya. Napaka swerte ko de kasi ikaw yung lolo na binigay sakin, hindi kita nakakalimutan, araw araw naiisip kita. Dade natatandaan mo yung sinabi ko sayo nung elementary palang ako na gusto ko pag gagraduate ako ng college ikaw yung aakyat sa stage para samahan ako? Tapos sabi mo sasamahan mo ako basta mag aral akong mabuti, 3rd na po ako de. Sa isang taon gagraduate na po ako. Sayang hindi na po natin matutupad yung mga pangarap natin. Dadalin pa kita sa ibang bansa diba de? Gusto ko talagang iparanas sayo yung sarap ng buhay, kaya po ako nag aaral para sainyo nila mama eh, para hindi na tayo mahirapan. Natatandaan ko pa lagi mong sinsabi sakin na mag aral akong mabuti at mag iingat ako palagi, kasi wala akong ibang kakampi sa mundong ‘to kundi yung sarili ko at yung edukasyon yung kayamanang hindi nila maagaw sakin. Namimiss na kita daddy, Pag may umaaway sakin wala na akong masumbungan at kahit sinasabi ko parin sayo yung mga problema ko hindi ko naman din naririnig yung mga payo mo na gusto mong gawin ko. Sana po nandito pa kayo, ayoko pong isipin na malas ako kahit lahat ng tatay ko nawawala sakin, napaka swerte ko nga po eh, kasi kahit hindi kop o nakita si papa nandyan ka naman para saamin. Tama ka de, na hindi mahalaga yung kayaman kung walang pagmamahal, Kahit mahirap lang tayo nag mamahalan naman po tayo, kahit gipit tayo sa buhay hindi naman tayo nag iiwanan, diba ang sabi mo sakin na okay lang mag lakad na sira sira yung damit mo basta maganda yung kalooban mo, basta alam mong wala kang tinatapakan na tao. Hindi mahalaga sakin yung kayaman kasi ikaw palang kayamanan ko na, at kayong lahat na nag mamahal sakin. Maraming salamat po kasi kahit sa maikling panahon nag karoon ako ng isang tulad mo, na totoo yung pagmamahal. Mahal na mahal kita de, umaasa po ako na minsan makikita ko din po kayo ni papa. Ikumusta nyo nalang po ako sakanya ha? Pakisabi din po na mahal na mahal na mahal ko sya kahit hindi ko na sya maalala.
No comments:
Post a Comment